Oil price rollback epektibo na ngayong umaga

Epektibo na ngayong alas-6:00 ng umaga ang bawas-presyo ng oil companies sa kanilang mga produkto.

Magkakaiba ang rollback ng mga kumpanya.

Ang Petron, Flying V, at Phoenix Petroleum ay may P0.30 kada litro na bawas sa presyo ng gasolina, P0.10 kada litro sa diesel at P0.30 sa kada litro ng kerosene o gaas.

Ang Shell naman at Caltex, walang rollback sa diesel pero may tig-P0.40 kada litro na bawas sa presyo ng gasolina at kerosene.

Pare-pareho naman ang rollback ng Cleanfuel, Seaoil at Petro Gazz na P0.40 na tapyas sa kada litro ng gasolina at kerosene at P0.10 kada litro ng diesel.

Una nang nagpatupad ng rollback ang Cleanfuel noong Linggo at sinundan ng Caltex kaninang alas-12:01 ng hatinggabi.

Read more...