1 patay, 8 arestado sa anti-drug operation sa Basilan

By Kathleen Betina Aenlle January 23, 2016 - 04:28 AM

basilanPatay ang isang suspek sa iligal na droga, habang walo pang iba ang arestado sa pagsalakay ng mga ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), mga puli at militar sa isang bahay Basilan.

Ayon kay Western Mindanao Command spokesman Maj. Filemon Tan Jr., ang napatay na suspek ay si Abubkar Mohammad, alyas Abubakar Adali Asa, pero hindi na niya pinangalanan ang iba pang nadakip.

Madaling araw ng Biyernes nang puntahan ng mga otoridad ang bahay sa Sitio Canas sa Barangay Calangcanas para arestuhin si Mohammad, ngunit sinalubong sila ng sunud-sunod na putok ng baril.

Napatay ani Tan si Mohammad sa kalagitnaan ng naganap na engkwentro habang ang walong iba pa ay naaresto.

Nasabat din sa naturang operasyon ang hinihinalang 50 gramo ng shabu, mga drug paraphernalia, di natukoy na halaga ng pera, mga high-powered na armas tulad ng M-16 rifles, M203 grenade launcher, isang kalibre .22 na pistol, isang rifle grenade at ilang rounds ng bala.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Maluso police ang mga suspek pati na ang mga ebidensyang nasabat ng mga otoridad.

TAGS: anti-illegal drugs operations, anti-illegal drugs operations

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.