Kidnapping incident sa Makati City nakuhaan ng video

(Story updated) Viral ngayon sa social media ang video ng isang kidnapping incident sa Paseo de Roxas cor. Perea St. Lunes ng gabi.

Makikita sa video ang sapilitang pagsakay sa isang babaeng Chinese sa kanang pintuan ng isang grey-colored van.

Walang magawa ang babae kundi magsisigaw at pinaharurot ang sasakyan nang nakabukas ang pintuan habang alanganin ang kanyang posisyon.

Nakarating na sa Makati police ang insidente.

Ayon kay Makati City police chief Col. Rogelio Simon, posibleng utang dahil sa online gaming o kaya ay pagnanakaw ang motibo sa insidente.

Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang ilang mga dokumento kabilang ang photocopy ng Chinese passport at deed of sale ng mga sasakyan.

Nagsasagawa na ng follow-up operations ang pulisya para mahanap ang mga suspek.

Read more...