Aktor na si Mico Palanca pumanaw na, 41

By Rhommel Balasbas December 10, 2019 - 12:03 AM

Facebook photo

Pumanaw na ang aktor na si Mico Palanca sa edad na 41.

Wala pang opisyal na impormasyon hinggil sa pagkasawi ng aktor ngunit una na itong ibinahagi ng Film Academy of the Philippines (FAP) sa isang Facebook post.

Nagpaabot ng pakikiramay ang movie organization sa pamilya ng aktor.

Si Mico ay kapatid ni Bernard Palanca.

Magugunitang isa sa mga nagpasikat kay Mico ay ang drama television series ng ABS-CBN na ‘Tabing Ilog’.

Napanood din ang aktor sa iba pang Kapamilya shows tulad ng K2BU (2000), Kay Tagal Kang Hinintay (2002), at It Might Be You (2003) na pawang pinagbidahan ni Bea Alonzo.

Nagkaroon ng relasyon sina Mico at Bea.

Noong 2016 ay may short appearance din sa FPJ’s Ang Probinsyano si Mico.

Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag ang pamilya.

TAGS: 41, Mico Palanca dies, Philippine showbiz, 41, Mico Palanca dies, Philippine showbiz

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.