2 arestado sa buy-bust operation sa Cebu

Arestado ang dalawang lalaki sa ikinasang buy-bust operation sa Cebu, Sabado ng gabi.

Batay sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office 7-Central Visayas, isinagawa ang operasyon sa V. Rama Avenue sa bahagy ng Barangay Calamba bandang 10:30 ng gabi.

Nakilala ang mga suspek na sina Wilfredo Rasonable Cuizon Jr, 42-anyos; at Roniel Arrabis Arriesgado, 29-anyos.

Nakumpiska ng mga otoridad sa dalawa ang pitong pakete ng hinihinalang shabu, ginamit na buy-bust money, tig-iisang mobile phone, brown envelope, unit weighing scale at P1,320 na cash.

Nagkakahalaga ang nakuhang shabu ng ang P340,000.

Mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Section 5 na may relasyon sa Section 26, Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...