Pangulong Duterte, pinayuhang deadmahin ang payo ng mga hindi miyembro ng peace panel ukol sa peace talks

Hinikayat ni House Deputy Minority Leader Carlos Isagani Zarate si Pangulong Rodrigo Duterte na huwag nang makinig sa mga peace advisers na hindi miyembro ng peace panel para sa planong pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Naniniwa si Zarate na kikilos ang mga tao na mga gustong manabotahe sa peace talks at hindi matuloy ang kasunduan ng pamahalaan at ng mga rebeldeng komunista.

Sa kabila aniya ng mga efforts ng gobyerno na hikayatin ang mga rebelde na magbalik-loob ay nagsimula din ang crackdown sa mga progresibong grupo na itinuturong pumoprotekta at may kaugnayan sa mga CPP-NPA-NDF.

Nababahala si Zarate na gumagawa ulit ng paraan ang mga peace saboteurs para madiskaril ang peace negotiations dahil sa balak na ilatag na pre-conditions tulad ng pagsasagawa ng usaping pangkapayapaan dito sa bansa.

Sinira na anya noon ni National Security Adviser Hermogenes Esperon ang peace negotiations sa kabila ng mga inilatag na kasunduan sa pagitan ng gobyerno at NDFP.

Read more...