Gazini Ganados, nagwagi bilang Best National Costume sa Miss Universe 2019

By Angellic Jordan December 09, 2019 - 05:07 PM

Nilinaw ng Miss Universe Organization na nagwagi ang pambato ng Pilipinas na si Gazini Ganados sa National Costume Competition ng beauty pageant.

Gamit ng kanilang official Twitter account, inanunsiyo ng organisasyon ang pagkakapanalo ni Gazini bilang Best National Costume.

Unang inanunsiyo ng host na si Steve Harvey na si Gazini ang nagwagi sa National Costume Competition kasabay ng pag-flash ng larawan nito sa screen.

Ngunit, katabi ni Harvey ang pambato ng Malaysia na si Shweta Shekhon.

Kinuha ni Shweta ang mikropono kay Harvey at nilinaw na siya ang nagwagi.

Nagpaliwanag naman ang host at sinabing pagkakamali na ito ng teleprompter.

Binanggit pa nito ang insidente noong 2015 kung saan nagkamali rin siya ng nabanggit na panalo sa beauty pageant.

Nagwagi ang costume ni Gazini na hango sa Philippine Eagle.

TAGS: Best National Costume, Gazini Ganados, lifestyle, Miss Universe 2019, National Costume Competition, Best National Costume, Gazini Ganados, lifestyle, Miss Universe 2019, National Costume Competition

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.