Kita ng MTPB sa huling limang buwan, umabot sa P79.7M

By Angellic Jordan December 09, 2019 - 03:04 PM

Umabot sa P79.7 milyon ang naitalang kita ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) sa huling limang buwan.

Sa tala ng MTPB, nasa kabuuang P79,766,119 ang halaga ng kita ng MTPB mula noong buwan ng Hulyo hanggang Nobyembre.

Mas mataas ito ng 356 porsyento kumpara sa naitalang kita noong 2018.

Nasa P17,494,660 lamang ang kita ng MTPB noong nakaraang taon sa kaparehong buwan.

Narito naman ang halaga ng kita ng MTPB sa iba’t ibang aktibidad:
– OVR Fines & Penalties (P49,165,970)
– Parking Fees (P28,370,249)
– Clamping & Impounding Fee (P2,229,900)

TAGS: Manila Traffic and Parking Bureau, MTPB, MTPB 5-month income accomplishment, Manila Traffic and Parking Bureau, MTPB, MTPB 5-month income accomplishment

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.