Dating Pangulong Noynoy Aquino, nasa Makati Medical Center para sa routine procedure

Nasa Makati Medical Center ngayon si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III para sa isang scheduled check up at routine procedure.

Ayon kay Atty. Abigail Valte, tagapagsalita ng dating pangulo, under observation ngayon si Aquino.

Pero bagamat under observation, sinabi ni Valte na nakausap naman niya ang dating pangulo at sinabi ang mga naiuulat sa media.

Pabiro pa aniyang sinabi ng dating pangulo na maaring ang ibinalita ng media na sumailalim siya sa heart procedure dahil heartbroken daw siya.

Ayon kay Valte, maayos naman ang lagay ng dating pangulo at high spirits.

Nagpapasalamat aniya ang dating pangulo sa mga nag-alala sa kanya.

Matatandaang kamakailan lamang, inamin ng dating pangulo na tinamaan siya ng sakit na pneumonia.

Read more...