Malakanyang proud kay Miss Philippines Gazini Ganados

By Chona Yu December 09, 2019 - 12:49 PM

Bagaman bigong makapasok sa finals ng 2019 Miss Universe, binati pa rin ng Palasyo ng Malakanyang si Miss Philippines Gazini Ganados.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, ito ay dahil sa maayos na naipresenta ni Ganados ang Pilipinas sa prestihiyosong patimpalak na ginanap sa Atlanta, Georgia sa USA.

Sinabi pa ni Panelo, naipagmalaki at at nagbigay ng kaluwalhatian si Ganados sa pamamagitan ng pagpapakita ng kakaibang ganda at talento ng isang Filipina.

Ayon kay Panelo, ang karanasan ni Ganados sa Miss Universe ay tiyak na makadadagdag sa kanyang development bilang isang beauty queen.

Hangad aniya ng Palasyo ang lahat ng kabutihan ni Ganados para sa iba pang susuungin sa buhay.

Nasa top 20 lamang si Ganados at hindi na nakapasok sa top 10 finalists.

TAGS: miss universe, missuniverse 2019, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, miss universe, missuniverse 2019, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.