LOOK: Re-launching sa Pasig River Ferry System
Nagsagawa ng re-launching para sa Pasig River Ferry System.
Dinaluhan ang seremonya nina MMDA Chairman Danilo Lim, MMDA General Manager Jojo Garcia, Transportation Sec. Arthur Tugade, Senator Bong Go, Pasig City Mayor Vico Sotto at Manila Mayor Isko Moreno.
Mula sa Lawton Station sa Maynila ay sumakay ang mga opisyal patungo sa Guadalupe Ferry Station sa Makati.
Layunin ni Mayor Sotto na mas mapagbuti ang serbisyo ng Pasig River Ferry at madagdagan pa ang mga bumibiyaheng Ferry.
Malaking tulong kasi aniya ito sa mga commuter bilang alternatibong transportasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.