Temperatura sa Baguio City bumagsak sa 11.8 degrees Celsius

Contributed Photo for DZIQ by Grace Gacosta
Ramdam na ramdam na Christmas season temperature sa Baguio City.

Alas 6:00 ng umaga ng Lunes, Dec. 9 ay naitala ang 11.8 degrees Celsius na temperatura sa lungsod.

Inaasahang sa mga susunod na araw ay bababa pa ang temperatura sa Baguio City.

Kapag Enero at Pebrero kadalasang naitatala ang mas malamig na temperatura sa lungsod.

January 28, 2019 naitala ang pinakamababang temperatura sa Baguio City ngayong taon na 9.8 degrees Celsius.

Habang Jan. 18, 1961 naitala ang pinakamababang temperatura sa Baguio City sa kasaysayan na 6.3 degrees.

Read more...