Korte Suprema nagtatag ng Help Desk na malalapitan ng publiko

By Ricky Brozas December 09, 2019 - 11:49 AM

Pormal nang inilunsad ng Korte Suprema ang help desk nito na layong mas maging abot-kamay ang Hudikatura sa mga mamamayan.

Pinangunahan ni Chief Justice Diosdado Peralta ang launching ng “Judiciary Public Assistance Section o JPAS” o tinatawag ding Judiciary Help Desk, na ginawa sa Supreme Court Centennial Building sa Maynila.

Ayon kay Peralta, ang Judiciary Help Desk ay kanyang brain child o parte ng kanyang 10-point program bilang punong mahistrado ng Korte Suprema ngayong Lunes ng umaga.

Ang JPAS, na nasa ilalim ng Office of the Chief Justice, ay binubuo ng tatlong units – ang Help Desk Unit, Hotline Unit at Email Messaging Unit.

Sa pamamagitan ng JPAS, magkakaroon na ng ugnayan ang Hudikatura, stakeholders at ang publiko.

Ang anumang tanong, at kahit mga reklamo o sumbong ay uubra sa Judiciary Help Desk, at magiging “confidential” ang mga ito, pagtitiyak ni Peralta.

Dagdag ng Chief Justice, dapat ay masasagot ang mga ito sa loob ng labing limang araw.

Ang Help Desk Unit ay makikita sa ground floor ng Supreme Court Centennial Building sa Padre Faura, habang ang Hotline at Email Messaging Units ay sa Office of the Chief Justice.

Ang itinakdang hotline numbers ay ang mga sumusunod:

0285266185
0285529644
0285529646

Habang mayroon ding email address na [email protected].

Tiniyak naman ng Korte Suprema na ang tatlong units ay bukas sa publiko mula Lunes hanggang Biyernes, mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon, maliban na lamang kung holidays.

TAGS: Hel Desk, jpas, Judiciary Public Assistance Section, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, Hel Desk, jpas, Judiciary Public Assistance Section, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.