Heroic surfer Casugay magsisilbing PH flag bearer sa pagtatapos ng SEA Games

By Dona Dominguez-Cargullo December 09, 2019 - 11:34 AM

Ang tinaguriang heroic surfer na si Roger Casugay ang magsisilbing bearer ng Philippine flag para sa pagtatapos ng Southeast Asian Games.

Ayon kay Team Philippines chef de mission Butch Ramirez ang 25-anyos na pride ng La Union ang magbibitbit ng watawat ng Pilipinas.

Ito ay matapos ang kabayanihang ginawa ni Casugay ng iligtas ang kapwa niya surfer na Indonesian sa kasagsagan ng kompetisyon.

Natigil ang kompetisyon noon nang masira ang leash ng surfboard ng dayuhan, at kahit ongoing ang kaniyang performance ay hindi nagdalawang-isip si Casugay at isinalba nito ang kalaban.

Nang mag-resume ang kompetisyon ay nagwagi si Casugay ng gintong medalya sa men’s longboard.

Dahil sa ipinakitang kabutihan, pangungunahan ni Casugay ang 1,185 Filipino athletes sa closing ceremony sa New Clark City Athletics Stadium sa Capas, Tarlac.

TAGS: Heroic surfer, PH Flag bearer, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Roger Casugay, sea games, Tagalog breaking news, Heroic surfer, PH Flag bearer, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Roger Casugay, sea games, Tagalog breaking news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.