Miss South Africa Zozibini Tunzi itinanghal na Miss Universe 2019

By Dona Dominguez-Cargullo December 09, 2019 - 11:09 AM

Ang pambato ng South Africa na si Zozibini Tunzi ang itinanghal na Miss Universe 2019.

Si Madison Anderson ng Perto Rico ang first runner-up at si Sofía Aragón ng Mexico ang second runer-up.

Para sa kanilang final word tinanong ang top 3 candidates ng tanong na:

“What is the most important thing we should be teaching to young girls today”?

Sa kaniyang sagot sinabi ni Miss South Africa na leadership ang dapat na ituro sa mga kabataang babae ngayon.

Matagal na kasi aniyang naipagkakain ang “leadership” sa mga kabataang babae at sa mga kababaihan hindi dahil sa ayaw nilang maging lider kundi dahil ito ang nagiging dikta ng society.

Ayon kay Miss South Africa, ang mga babae ang maituturing na most powerful beings sa mundo.

Ang pambato ng Pilipinas na si Gazini Ganados ay nagtapos sa top 20.

TAGS: Miss Universe 2019, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, south africa, Tagalog breaking news, Zozibini Tunzi, Miss Universe 2019, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, south africa, Tagalog breaking news, Zozibini Tunzi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.