Sa ilalim ng programa bibigyan ng economic empowerment ang mga barangay officials.
Inaatasan ng pangulo ang Department of Budget and Management (DBM) at Department of Interior and Local Government (DILG) na mag-issue ng guidelines habang kukunin naman ang pondo sa barangay.
Sa ilalim ng guidelines ay doon din matutukoy kung sino -sino sa mga opisyales ng barangay ang kuwalipikadong makatanggap o hanggang saan ang saklaw ng Yuletide Social Assistance Program.
Kinikilala ng pangulo ang kabayanihan ng mga barangay officials bilang frontliner sa pagbibigay ng basic government services, gaya sa healthcare, social welfare, agricultural support, settlement of disputes, peace and order at iba pa.