Pagbibigay ng Yuletide Social Assistance Program para sa mga barangay officials, iniutos ng Malakanyang

By Chona Yu December 09, 2019 - 11:01 AM

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order 99 na nag-aatas sa lahat ng sangguniang barangays magtatag ng Yuletide Assistance Program para sa mga barangay officials at workers.

Sa ilalim ng programa bibigyan ng economic empowerment ang mga barangay officials.

Inaatasan ng pangulo ang Department of Budget and Management (DBM) at Department of Interior and Local Government (DILG) na mag-issue ng guidelines habang kukunin naman ang pondo sa barangay.

Sa ilalim ng guidelines ay doon din matutukoy kung sino -sino sa mga opisyales ng barangay ang kuwalipikadong makatanggap o hanggang saan ang saklaw ng Yuletide Social Assistance Program.

Kinikilala ng pangulo ang kabayanihan ng mga barangay officials bilang frontliner sa pagbibigay ng basic government services, gaya sa healthcare, social welfare, agricultural support, settlement of disputes, peace and order at iba pa.

TAGS: agricultural support, barangay officials, healthcare, peace and order, PH news, Philippine breaking news, president duterte, Radyo Inquirer, settlement of disputes, social welfare, Tagalog breaking news, Yuletide Social Assistance Program, agricultural support, barangay officials, healthcare, peace and order, PH news, Philippine breaking news, president duterte, Radyo Inquirer, settlement of disputes, social welfare, Tagalog breaking news, Yuletide Social Assistance Program

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.