Catanduanes isinailalim sa state of calamity dahil sa pinsalang iniwan ng Typhoon Tisoy

By Dona Dominguez-Cargullo December 09, 2019 - 10:20 AM

Nagdeklara na rin ng state of calamity sa lalawigan ng Catanduanes dahil sa pinsalang naidulot ng Typhoon Tisoy.

Umabot sa libu-libong katao ang dinala sa mga evacuation center sa lalawigan bunsod ng naturang bagyo.

Sa datos ng provincial disaster risk reduction and management council, P229.7 million ang halaga ng iniwang pinsala ng Tisoy sa agrikultura, at P17 million sa imprastraktura.

Mayroon ding 71-anyos anyos na nasawi sa bayan ng Panganiban.

Nagtamo ng head injury ang naturang lolo matapos tumumba dahil sa lakas ng hangin na dulot ng bagyo.

 

TAGS: #TisoyPH, catanduanes, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, State of Calamity, Tagalog breaking news, #TisoyPH, catanduanes, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, State of Calamity, Tagalog breaking news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.