Driver na nagsauli ng pera at mga alahas sa pasaherong Vietnamese binigyang parangal

Pinarangalan ang isang driver sa Baguio City dahil sa kaniyang katapatan.

Sa isang seremonya ngayong umaga ng Lunes, Dec. 9 binigyang parangal ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) – CAR, sa pamumuno ni Regional Director Lalaine Sobremonte at ng Land Transportation Office (LTO) CAR ang driver na si Francisco S. Jayson.

Noong November 28, naisakay ni Jayson ang mga Vietnamese Nationals, na naglalaman pala ng mga alahas at perang nagkakahalaga ng kumulang na 4,200 US Dollars.

Agad dumulog si Jayson sa sa tanggapan ni Baguio City Councilor Art Alad-iw upang isauli ang mga nasabing alahas at pera.

Dahil sa kaniyang katapatan ginawaran ng Certificate of Recognition at binigyan ng pabuya si Jayson.

Read more...