Gazini Ganados bigong makapasok sa Top 10 ng Miss Universe 2019

By Dona Dominguez-Cargullo December 09, 2019 - 09:45 AM

Bigo ang pambato ng Pilipinas na si Gazini Ganados na makapasok sa top 10 ng Miss Universe 2019.

Hindi kasama si Ganados sa sampung kandidata na inanunsyong makaka-abante sa swimsuit at evening gown competition ng Miss Universe Pageant.

Kabilang sa nakasama sa top 10 ang sumusunod:

– USA
– Colombia
– Puerto Rico
– South Africa
– Peru
– Iceland
– France
– Indonesia
– Thailand
– Mexico

Sa kaniyang opening speech, binanggit ni Gazados ang advocacy niya para sa mga nakatatanda.

Ayon kay Ganados, siya ay kabilang sa mga grupong nagsusulong ng pangangalaga sa nakatatanda at lumalaban sa ageism.

TAGS: Gazini Ganados, miss universe, Miss Universe 2019, Pageant, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, Gazini Ganados, miss universe, Miss Universe 2019, Pageant, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.