62 pamilya sa Pilar, Sorsogon wala pang mauuwian matapos mawasak ng Typhoon Tisoy ang kanilang bahay

Sorsogon PIO | Atty. Adrian Alegre
Mayroon 62 pang pamilya sa Sorsogon ang nananatili sa evacuation center.

Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, ang mga pamilyang natitira sa evacuation center ay wala nang bahay na mauuwian.

Ito ay matapos na mawasak ng bagyong Tisoy ang kanilang tahanan.

Ang mga pamilya ay mula sa dalawang barangay sa Pilar, Sorsogon.

Maraming bahay ang nasira sa Barangay Dao at Barangay Binanuahan sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Tisoy.

Patuloy namang inaasistihan ng Municipal Government ang naturang mga pamilya.

Read more...