Cavite – Manila Ferry nagsimula nang bumiyahe ngayong araw; unang biyahe mula CCP hanggang Cavite City tumagal lang ng 17-minuto

By Dona Dominguez-Cargullo December 09, 2019 - 08:07 AM

Umarangkada na ang unang biyahe ng Cavite – Manila Ferry Service.

Ang Cavite – Manila Ferry Service ay may mga rutang Cavite City to Lawton at pabalik at CCP to Cavite City at pabalik.

Ang unang biyahe mula CCP na umalis ng 6:39 ng umaga ay dumating sa Cavite City via Manila Bay ng 6:56 ng umaga.

17 minuto lang ang itinagal ng biyahe kumpara sa 2 hanggang 3 oras na biyahe kapag sumakay ng bus.

Isang buwang libre ang pamasahe sa Cavite – Manila Ferry o mula ngayong araw hanggang sa January 9.

Ang regular na pamasahe mula CCP hanggang Cavite City at pabalik ay P200.

Ang biyaheng Cavite City to Lawton ay pabalik ay P160.

Mayroon namang diskwento para sa senior citizen at estudyante. Mas mababa din ang halaga ng pamasahe sa mga batang edad 4 hanggang 11 taong gulang.

Habang libre naman ang edad 3 taon pababa.

TAGS: Cavite - Manila Ferry Service, Cavite City, ccp complex, dotr, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, water transportation, Cavite - Manila Ferry Service, Cavite City, ccp complex, dotr, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, water transportation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.