Gazini Ganados kabilang sa Final Hot Picks ng Missosology

Ilang oras bago ang Miss Universe coronation event, inilabas na ng Missosology ang Final Hot Picks nito para sa pageant.

Kasama sa listahan ang pambato ng Pilipinas na si Gazini Ganados.

Sa inilabas na Final Hot Picks nanganguna ang pambato ng Thailand, ikalawa ang Colombia, ikatlo ang USA at nasa pang-apat na pwesto si Ganados.

Ang iba pang nakapasok sa top 20 ng Missosology ang pambato ng Brazil, Ireland, France, Puerto Rico, Albania, South Africa, Kenya, Peru, Indonesia, Argentina, Vietnam, Iceland, Slovak Republic, Myanmar, Mexico at Haiti.

 

Read more...