Water level sa Angat dam nadagdagan sa magdamag

Nadagdagan sa nakalipas na magdamag ang water level sa Angat dam.

Sa datos ng PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 ng umaga ng Lunes, Dec. 9, 2019 ay 195.75 meters ang water level ng Angat.

Bagaman nadagdagan ay malayo pa ito sa 212 meters na normal high water level ng Angat dam.

Wala namang pagbabago sa antas ng tubig ng La Mesa dam na ngayon ay nasa 77.68 meters.

Ang antas ng tubig sa Ipo dam ay nabawasan na ngayon ay nasa 100.91 meters.

Nabawasan din ang water level sa Binga, San Roque, Pantabangan at Magat dams.

Habang nadagdagan naman ang water level sa Ambuklao at Caliraya dams.

Read more...