Polio nagbalik na rin sa Malaysia matapos ang 27 taon

By Rhommel Balasbas December 09, 2019 - 06:13 AM

Isang tatlong-buwang batang lalaki sa Malaysia ang natamaan ng sakit ng polio, ang kauna-unahang kaso ng sakit sa bansa matapos ang 27 taon.

Ito ang inanunsyo ni Dr. Noor Hisham Abdullah, Director General ng Ministry of Health araw ng Linggo.

Ayon sa health official, ang batang lalaki ay mula sa Tuaran, state of Sabah, at nagpositibo ito sa polio araw ng Biyernes matapos ma-confine sa ospital nang may lagnat at muscle weakness.

Vaccine-Derived Type 1 polio virus ang tumama sa bata.

Kasalukuyan umanong ginagamot ang bata at ngayon ay nasa stable condition na ngunit kailangan pa rin nito ng tulong para makahinga.

Ayon kay Door Noor Hisham, ang polio strain na tumama sa bata ay nagpapakita ng genetic links ng polio virus na naitala sa Pilipinas,

Matatandaang muling napaulat ang polio cases sa Pilipinas noong Setyembre.

Ang Borneo, Malaysia ay nasa Timog lang ng Pilipinas.

Dahil sa muling pagbabalik ng polio sa Malaysia, palalawakin ang immunization coverage hanggang 95 percent pataas.

TAGS: Malaysia, Ministry of Health, PH news, Philippine breaking news, Polio, polio virus, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, Malaysia, Ministry of Health, PH news, Philippine breaking news, Polio, polio virus, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.