M3.1 na lindol naitala sa Eastern Samar

Niyanig ng magnitude 3.1 na lindol ang bahagi ng Eastern Samar alas-3:56 Lunes ng madaling-araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong 26 kilometro Timog-Silangan ng bayan ng Giporlos.

May lalim ang pagyanig na 71 kilometro at tectonic ang dahilan.

Hindi naman ito nagdulot ng pinsala sa ari-arian at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...