Compostella Valley tatawagin nang Davao de Oro

By Rhommel Balasbas December 09, 2019 - 02:06 AM

Opisyal nang tatawagin bilang Davao de Oro ang lalawigan ng Compostella Valley.

Ito ay makaraang pumabor ang karamihan ng mga mamamayan sa pagpapalit ng pangalan ng lalawigan sa isinagawang plebisito araw ng Sabado.

Ayon sa Commission on Elections (Comelec), 179,953 ang lumahok sa plebisito o 45 percent ng kabuuang 410,261 registered voters mula sa 11 bayan ng lalawigan.

Pumabor sa pagpapalit ng pangalan ng probinsya ang 174,442 katao o 97 percent habang 5,020 naman ang tumutol o 3 percent lamang.

Niratipikahan at inaprubahan ng Comelec ang pagpapalit ng pangalan ng Compostella Valley alas-10:24 ng gabi ng Linggo.

Nabalam ang canvassing dahil sa hindi tugmang bilang ng botante sa apat na bayan.

Ngayong Lunes, bibigyan ng Comelec ng kopya ng resulta ng plebisito ang provincial governor at Department of Interior and Local Government (DILG).

Ang nilagdaang Republic Act No. 11297 ni Pangulong Rodrio Duterte ang nagbigay-daan sa pagpapalit ng pangalan ng Compostella Valley tungong Davao de Oro.

TAGS: Commission on Elections (Comelec), Compostella valley, Davao de Oro, plebiscite, RA No. 11297, Commission on Elections (Comelec), Compostella valley, Davao de Oro, plebiscite, RA No. 11297

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.