Pilipinas, nakuha ang unang gold medal sa eSports ng 2019 SEA Games

Nakuha ng Philippine national eSports Team ‘Sibol’ ang unang gold medal para sa eSports tournament ng 2019 Southeast Asian Games, sa FilOil Flying V Arena, Linggo ng gabi.

Hindi nakapalag ang Indonesia sa ‘Bang Bang’ team ng bansa sa Mobile Legends sa pangunguna nina Kenneth “Kenji” Villa, Jeniel “Haze” Bata-anon, Allan “Lusty” Castromayor, Carlito “Ribo” Ribo, Kyle “Pheww” Arcangel, at Jason “Jay” Torculas.

Sa iskor na 3-2, nakuha ng grupo ang gold medal.

Sa unang laro ng best of five series, wagi ang Sibol ngunit nagpakitang gilas ang Indonesians sa ikalawa at ikatlong laro.

Wala namang nagawa ang Indonesia sa ikaapat na laro hanggang sa maitulak na ng Sibol ang panalo sa Game 5.

Susubukan namang makuha ng DOTA2 team ng Sibol ang gintong medalya sa laro ngayong Lunes ng gabi.

Read more...