outbrain

P3.4M halaga ng shabu nasabat sa buy-bust sa Quezon City

By Rhommel Balasbas December 09, 2019 - 12:48 AM

Naaresto ng mga operatiba ng PDEA-NCR ang isang 33-anyos na babaeng tulak ng droga sa buy-bust operation sa Araneta Center, Quezon City, Linggo ng gabi.

Ayon kay PDEA-NCR Director Joel Plaza, nakilala ang suspek na si Mary Ann Francisco, residente ng Tondo, Maynila.

Positibong nabilhan ng PDEA agent na nagpanggap na poseur buyer si Franciso ng shabu.

Agad itong naaresto at nakuhaan ng isang plastic bag ng shabu na may bigat na 500 grams at may halagang P3,400,000.

Sasampahan si Francisco ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: Anti-drug war, araneta center, drug buy bust operation, PDEA-NCR, PDEA-NCR Dir. Joel Plaza, quezon city, Anti-drug war, araneta center, drug buy bust operation, PDEA-NCR, PDEA-NCR Dir. Joel Plaza, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.