Pansamantalang nakalaya ang dating ministro ng Iglesia ni Cristo na si Lowell Menorca matapos itong maglagak ng piyansa sa mga isinampang kaso laban sa kanya.
Inaresto sa Maynila si Menorca dahil sa kasong libelo bunsod ng pagtawag umano nito sa isang grupo sa ilalim na “hit squad”.
Habang nakakulong sa Manila Police District (MPD) Station 5, ay sinampahan si Menorca ng isa pang kaso ng libelo at sinilbihan ng panibagong warrant of arrest.
Ngayong araw ay nagpiyansa si Menorca ng halagang P21,000 para sa dalawang kaso ng libelo na isinampa sa mga korte sa Marawi City at Lanao del Norte.
Dahil sa pagkakulong ay lalo umanong tumibay ang pagnanais ni Menorca na isiwalat ang aniya ay mga mali ng mga opisyal ng INC.
“Taken out of context” lang anya ang mga istorya na ginamit sa pagsampa sa kanya ng mga kasong libel.
Ang Cavite Prosecutor’s Office naman ay nagpalabas ng subpoena kay Menorca dahil may naghain din sa piskalya ng reklamong libelo laban sa kaniya.
Samantala, inihahanda na umano ang paglalabas ng panibagong arrest warrant laban kay Menorca kaugnay naman ng kasong isinampa sa knaiya ng pulis dahil sa pagtanggi niya nang siya ay arestuhin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.