Re-launch ng Pasig River Ferry sa Lunes, pangungunahan ng MMDA
Muling ilulunsad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang operasyon ng Pasig Ferry River Service sa araw ng Lunes, sa Plaza Lawton sa Maynila.
Pangungunahan ni MMDA Chairman Danny Lim ang okasyon at magsisilbing panauhing pandangal si Sen. Christopher “Bong” Go at dadalo rin si Pasig City Mayor Vico Sotto.
Magugunita na dekada ’90 nang simulant ang nag-isang water-based transportation sa Metro Manila sa operasyon ng Magsaysay Lines ngunit tumagal lang ito ng mahigit isang taon.
Taong 1996 nang buhayin ng Starcraft Ferry ang linya ngunit huminto din ito makalipas ang tatlong taon na operasyon.
Makalipas ang 11 taon, muli itong binuhay at lumago mula sa lima hanggang 14 ang ferry station.
Inaasahan na sa bagong serbisyo, mas marami ang sasakay sa water taxis sa Pasig River para na rin makaiwas sa traffic ng Maynila, Makati City hanggang Pasig City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.