5 discipline zones sa Quezon City, babantayan

By Jan Escosio December 08, 2019 - 06:53 PM

Inquirer file photo

Nagtalaga ang Quezon City Police District (QCPD) ng limang ‘discipline zones’ sa lungsod na mahigpit na babayantayan para sa mga lalabag sa mga ordinansa.

Ayon kay QCPD acting District Director Brig. Gen. Ronnie Montejo, magkakaroon ng dry run sa araw ng Lunes, sa pinaigting na pagpapatupad ng mga batas at ordinansa sa Cubao, West Avenue, Katipunan Avenue, Timog Avenue-Tomas Morato area, at Novaliches proper.

Naniniwala si Montejo na sa kanilang hakbang ay mapipigilan ang mga krimen at magkakaroon ng disiplina sa paunang limang lugar.

Tiniyak nito na wala silang sasantuhin sa paghuli at ang lahat ay kakasuhan at kung kinakailangan ay ikukulong, samantalang ang mahuhuling menor de edad ay ipapaubaya sa City Social Welfare Development Department.

Sinabi ng opisyal na ang proyektong ito ay suportado ni Mayor Joy Belmonte.

TAGS: Brig. Gen. Ronnie Montejo, discipline zones, discipline zones sa Quezon City, QCPD, quezon city, Brig. Gen. Ronnie Montejo, discipline zones, discipline zones sa Quezon City, QCPD, quezon city

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.