outbrain

‘Pusong Pinoy’ namamayani sa 30th SEA Games

By Jan Escosio December 08, 2019 - 06:33 PM SHARE(S):

Labis-labis ang pasasalamat ng delegasyon sa 30th Southeast Asian (SEA) Games ng Indonesia kay Roger Casugay, ang Filipino surfer na nagligtas sa kalabang Indonesia surfer sa kalagitnaan ng kanilang kompetisyon sa San Juan, La Union.

Nakuha ni Casugay ang paghanga ng mga Indonesian at anila pinatunayan nito ang ‘pusong Pinoy.’

Isinantabi ni Casugay ang panalo maging ang sariling kaligtasan para sagipin si Mencos Cosomen sa posibleng kapamahakan.

Naramdaman din ng delegasyon ng Timor Leste ang kabutihan ng mga Filipino dahil sa patuloy na pagsuporta sa kanilang mga atleta upang makakuha ng kanilang unang medalya sa torneo.

Nagpapasalamat din sila sa pagpapatira sa kanila ng libre sa Athlete’s Dormitory sa Pasig City.

Gayundin, pinuri ng Thai at Malaysian sports officials ang mga pasilidad ng palaro sa New Clark City sa Tarlac at sa Subic, Zambales, dahil sa pagpupursige ng PHISGOC.

TAGS: 30th SEA Games, indonesia, Roger Casugay, SEA Games 2019, Surfing, 30th SEA Games, indonesia, Roger Casugay, SEA Games 2019, Surfing

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.