Bentahe ng Filipino sa Arnis, pagtitibayin pa – Sen. Zubiri
Bunga ng paghakot ng 14 gintong medalya sa 30th Southeast Asian (SEA) Games, sinabi ni Senator Juan Miguel Zubiri na palalakasin pa nila ang larong Arnis sa bansa.
Sinabi ni Zubiri na pagkatapos ng torneo ay ipapakilala nila ang Arnis sa ibang bansa sa pamamagitan ng pagsali sa mga pandaigdigang kompetisyon.
Dagdag ng senador, sa ganitong paraan ay mas mahahasa pa ang husay ng mga Filipino arnisadores.
Noong 2009, idineklara ang Arnis bilang national martial art sa pamamagitah ng Republic Act 9850.
Kasunod nito, ayon pa kay Zubiri, ay inilunsad na nila ang National Battle of the Champions at isinama na ang Arnis sa Batang Pinoy ng Philippine Sports Commission, Philippine National games at Palarong Pambansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.