PNP-SAF, dapat isabak sa pagtugis sa drug lords – Gen. Eleazar

Gusto ni Philippine National Police (PNP) Chief Directorial Staff Police Major General Guillermo Eleazar na isama na ang Special Action Force (SAF) sa kampaniya kontra droga, partikular na ang pagtugis sa mga high value targets (HVTs).

Ito aniya ay para matupad ang nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na matapos na ang lahat ng drug lords sa bansa.

Ayon kay Eleazar, hindi pagdududahan ang integridad ng mga SAF commandos at aniya, naniniwala siya na ang mga ito ang pinaka-kuwalipikado na tumugis sa mga personalidad na nagpapakalat ng droga sa bansa.

Sinabi pa ng opisyal na ngayon ay may pagdududa sa PNP dahil sa ‘ninja cops,’ dapat nang isabak ang SAF sa ‘war on drugs.’

Paliwanag ni Elezar, ang nakikita niya para sa SAF ay isama sa anti-drugs operations dahil sa training at kagamitan ng mga ito.

Read more...