PDEA, pinangangalagaan pa rin ang dignidad ni Lt. Col Marcelino

By Ruel Perez January 22, 2016 - 07:43 PM

File Photo
File Photo

Pinangalagaan lamang ang ‘dignity as an officer and gentleman’ kung kaya hindi na naiposas ang mga kamay ni Col. Ferdinand Marcelino nuong arestuhin sa clandestine lab sa Sta Cruz Maynila noong Huwebes ng madaling araw.

Paliwanag ni PDEA Director General Arturo Cacdac, hindi naman sa binibigyan ng mas magandang pagtrato si Marcelino pero nais lang ng PDEA na mapangalagaan ang dignidad ni Marcelino na isang dating opisyal ng PDEA.

Ito rin umano ang konsiderasyon ng PDEA kung kaya pumayag sila na sa PNP-AIDG pansamantalang ipiit si Marcelino at hindi sa PDEA.

Giit pa ng opisyal bilang konsiderasyon pa rin kay Marcelino, ayaw nila na makita ito ng mga dating tauhan at mga kasamahan sa PDEA na nakakulong ito.

TAGS: Ferdinand Marcelino, Ferdinand Marcelino

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.