outbrain

LOOK: Pangulong Duterte, dumalo sa kasal ng anak ni Sen. dela Rosa

By Angellic Jordan December 08, 2019 - 05:06 PM

Dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa kasal ng anak ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, araw ng Linggo.

Idinaos ang kasal nina Marianne Kristel dela Rosa at sundalong si 1Lt. James Benneth Estoesta sa St. Ignatius Chapel, Philippine Military Academy (PMA) sa Fort General Gregorio H. del Pilar sa Baguio City.

Sa mga larawang ibinahagi ni Sen. Christopher “Bong” Go, makikitang dumalo ang pangulo sa wedding ceremony.

Dumalo rin ilan pang senador sa kasal tulad nina Sen. Francis Tolentino at Sen. Imee Marcos.

Ayon kay Go, hangad ng pangulo ang kaligayahan ng bagong mag-asawa.

Narito ang ilan pang larawan sa kasal:

TAGS: 1Lt. James Benneth Estoesta, Marianne Kristel dela Rosa, Pangulong Rodrigo Duterte, Sen. Christopher "Bong" Go, Sen. Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, 1Lt. James Benneth Estoesta, Marianne Kristel dela Rosa, Pangulong Rodrigo Duterte, Sen. Christopher "Bong" Go, Sen. Ronald ‘Bato’ Dela Rosa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.