Pambato ng Thailand, hinirang na Miss Supranational 2019

Hinirang ang pambato ng Thailand na si Anntonia Porsild bilang Miss Supranational 2019.

Ipinasa ni Miss Supranational 2018 Valeria Vazquez Latorre ang korona kay Porsilid sa International Congress Center sa Katowice, Poland.

Natalo nito ang nasa 76 kandidata sa nasabing beauty pageant.

Samantala, nakapasok naman ang pambato ng Pilipinas na si Resham Ramirez Saeed sa Top 25 ng kompetisyon.

Narito naman ang iba pang nagwagi:
– Yana Haenisch mula sa Namibia (first runner-up)
– Jessica Fitriana mula sa Indonesia (second runner-up)
– Janick Maceta mula sa Peru (third runner-up)
– Gabriela De La Cruz mula sa Venezuela (fourth runner-up)

Read more...