Palasyo suportado ang hirit ng MWSS sa Maynila Water, Maynilad ukol sa taas-singil sa tubig sa Enero

Sinuportahan ng Palasyo ng Malakanyang ang panawagan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa Manila Water Co. Inc. at Maynilad Water Services Inc. na ipagpaliban na muna ang nakaambang dagdag singil sa tubig sa Enero ng susunod na taon.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Preisdnetial spokesman Salvador Panelo na mas makabubuting idaan muna sa mabuting usapan ang taas-singil sa tubig lalo’t pinuna na sila mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Panelo, ang Department of Justice at iba pang sangay ng pamahalaan ang makikipag-usap sa Maynilad at Manila Water.

Read more...