Pangulong Duterte, hindi nababahala sa pagtatapos ng ICC probe sa war on drugs

By Chona Yu December 08, 2019 - 02:39 PM

Hindi nababahala si Pangulong Rodrigo Duterte kahit na matatapos na sa susunod na taon ang preliminary examination ng International Criminal Court (ICC) kaugnay sa kasong crimes against humanity na isinampa sa kanya dahil sa madugong kampanya kontra sa ilegal na droga.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na ipinagkibit-balikat lamang ng pangulo ang imbestigayson ng ICC.

Noon pa man, nanindigan na aniya ang pangulo na walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas dahil hindi naman nalathala sa Official Gazette ang pagiging miyembero ng bansa sa naturang international body.

Sinabi pa ni Panelo na tanging ang mga kritiko lamang gaya ni dating Congressman Neri Colmenares ang nababahala sa kaso ng pangulo sa ICC.

Kasabay nito, sinabi ni Panelo na walang pakialam ang Palasyo kahit na tumulong pa ang Commission on Human Rights (CHR) sa imbestigasyon ng ICC.

Nasa CHR na aniya ang pagpapasya kung magbibigay ng mga dokumento sa ICC.

TAGS: ICC, ICC preliminary examination, Rodrigo Duterte, Sec. Salvador Panelo, War on drugs, war on drugs campaign, ICC, ICC preliminary examination, Rodrigo Duterte, Sec. Salvador Panelo, War on drugs, war on drugs campaign

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.