outbrain

WATCH: Pangulong Duterte, walang Christmas break; Tuloy pa rin sa pagtatrabaho

By Chona Yu December 08, 2019 - 02:43 PM SHARE(S):

Walang Christmas break si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong taon.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Presidential spokesman Salvador Panelo na tuloy lamang sa pagtatrabaho ang pangulo kahit sa Pasko.

Sinabi pa ni Panelo na masyadong workaholic ang pangulo at hindi magpapahinga sa trabaho.

Ayon kay Panelo, kahit na pinayuhan ng mga doktor na magpahinga at magbakasyon, tuloy pa rin ang pangulo sa trabaho.

“Si Presidente naman nakikita ko naman, walang pahinga. Masyado ngang workaholic itong mama. Sabi nga niya magbakasyon, wala naman eh.. talagang napaka devoted sa kanyang trabaho bilang Presidente,” ani Panelo.

Karaniwang inaabot ng madaling-araw si Pangulong Duterte sa trabaho pati na sa Cabinet meeting.

Una rito, sinabi ng pangulo na nakararanas siya ng Barret’s Esophagus, Buerger’s Disease. Myasthenia Gravis, muscle spasm, migraine at back pain.

Narito ang buong ulat ni Chona Yu:

TAGS: Christmas break, Pangulong Rodrigo Duterte, Sec. Salvador Panelo, workaholic, Christmas break, Pangulong Rodrigo Duterte, Sec. Salvador Panelo, workaholic

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.