Papalitan ni Caguioa si Associate Justice Martin Villarama na nag-avail ng early retirement epektibo noong January 16 dahil sa kaniyang kalusugan.
Si Caguioa ang ika-anim na appointee ni Pangulong Aquino sa Korte Suprema, kasunod nina Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno at Associate Justices Marvic Leonen, Bienvenido Reyes, Estela Perlas-Bernabe, at Francis Jardeleza.
Pinili ng pangulo si Caguioa sa final list na isinumite sa kaniya ng Judicial and Bar Council.
Sa nasabing shortlist, si Caguioa kasama sina Court of Appeals Justices Andres Reyes at Jose Reyes ang nakakuha ng may pinakamataas na boto mula sa mga miyembro ng JBC.
Si Caguioa ay dating kaklase ni PNoy sa grade school at college sa Ateneo de Manila University.
Iniwan noon ni Caguioa ang pribadong sektor para magsilbi sa pamahalaan bilang chief presidential legal counsel.