outbrain

MWSS humirit sa Maynilad, Manila Water na ipagpaliban ang taas-singil sa tubig sa Jan. 1

By Chona Yu December 08, 2019 - 02:25 PM SHARE(S):

Humihirit ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa Manila Water Co. Inc. at Maynilad Water Services Inc. na ipagpaliban muna ang ikinakasang taas-singil sa tubig simula sa Janaury 1 ng susunod na taon.

Ayon sa pahayag ng MWSS regulatory office, may ginagawa nang hakbang para magkaroon ng pag-uusap ang kanilang hanay at ang dalawang water concessionaire.

Samantala, sinabi naman ni Justice undersecretary at spokesman Markk Perete na mapipilitan ang pamahalaan na gumawa ng legal action kapag hindi tinanggal ang mga ilegal na tagilid na probisyon sa kontrata sa pamahalaan.

Una nang pinagbanataan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga may-ari ng Maynilad at Manila Water na sasampahan ng kasong economic sabotage, ipaaresto at ipakukulong kung itutuloy ang tagilid na kontrata sa pamahalaan.

TAGS: manila water, maynilad, mwss, manila water, maynilad, mwss

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.