Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang Surigao del Sur, Linggo ng umaga.
Batay sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa 13 kilometers Northeast ng Cortes bandang 8:52 ng umaga.
May lalim ang lindol na 26 kilometers at tectonic ang dahilan.
Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.