Marcelino, may ‘personal crusade’ laban sa sindikato ng droga-Año

By Dona Dominguez-Cargullo January 22, 2016 - 05:14 PM

Flicker Photo/Ramon Asuncion
Flicker Photo/Ramon Asuncion

Tapat sa sa tungkulin at mayroong ‘personal crusade and conviction’ laban sa mga sindikato ng droga.

Ganito inilarawan ni Philippine Army chief Maj. Gen. Eduardo Año si Lt. Col. Ferdinand Marcelino na naaresto sa operasyon kahapon sa isang clandestine laboratory sa Maynila. “I can vouch for his integrity. I also observed his personal crusade and conviction to fight drug syndicates,” ayon kay Año.

Sinabi ni Año na dati niyang tauhan si Marcelino noong siya pa ang hepe ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP).

Kwento ni Año, dati niyang field commander si Marcelino sa Laguna. Sinabi ni Año na “very effective” at maraming trabaho at operasyon si Marcelino na naging matagumpay.

Pero nagtapos aniya ang “official relationship” nila sa trabahi ni Marcelino nang umalis na siya bilang opisyal ng ISAFP.

Sa ngayon ayon kay Año, bilang hepe ng Philippine Army, wala umano na umano silang ugnayan sa trabaho ni Marcelino. “As for my official function now, there is no official line existing between us,” paliwanag ni Año.

Dagdag pa ni Año na napag-alaman niya noon na sumailalim si Marcelino sa training at pag-aaral sa Command and General Staff College (CGSC). Pero kahit nasa CGSC aniya si Marcelino ay patuloy pa rin ito sa pagbibigay ng mga impormasyon sa ISAFP at s Philippine Army tungkol sa mga sindikato ng droga.

Tiwala naman si Año na masasagot ni Marcelino ang mga akusasyon laban sa kaniya.

TAGS: army chief vows on col marcelino's integrity, army chief vows on col marcelino's integrity

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.