Bahagi ng Roxas Boulevard, isasara sa Dec. 8 para sa fun run ng Red Cross

Pansamantalang isasara sa mga motorista ang isang bahagi ng Roxas Boulevard sa araw ng Linggo, December 8.

Ayon sa Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), ito ay para bigyang-daan ang Million Volunteer Run (MVR) ng Philippine Red Cross (PRC).

Sinabi ng MDTEU na isasara ang southbound lane ng Roxas Boulevard mula Katigbak Drive hanggang P. Ocampo simula 4:00 ng madaling-araw.

Narito ang mga itinalagang alternatibong ruta:

– Sa mga sasakyan mula Jones, McArthur, Quezon bridges, dumeretso sa Taft Avenue patungo sa destinasyon.

– Mula naman sa Bonifacio Drive, kumaliwa sa P. Burgos Avenue papunta sa destinasyon.

– Mula sa westbound lane ng P. Burgos Avenue, kumanan sa Bonifacio Drive o mag-U turn sa eastbound lane ng P. Burgos Avenue patungo sa destinasyon.

– Sa mga bumabagtas sa westbound lane ng TM Kalaw St., kumaliwa sa MH del Pilar St. patungo sa destinasyon.

– Mula sa westbound lane ng U.N Avenue, kumaliwa sa MH del Pilar St. o dumaan sa Roxas Boulevard service road papunta sa destinasyon.

– Sa mga sasakyan mula sa westbound ng Quirino, kumaliwa sa Mabini patungon destinasyon.

– Mula naman sa westbound ng P. Ocampo, kumaliwa sa F.B Harrison patungo sa destinasyon.

Maari namang dumaan sa Katigbak Drive ang mga pupunta at magmumula sa from Manila Ocean Park/H20 Hotel at Manila Hotel.

Read more...