LOOK: National costume ni Gazini Ganados sa Miss Universe 2019

Stunning ang pambato ng Pilipinas na si Gazini Ganados sa National Costume Competition ng Miss Universe 2019.

Sa Facebook page ng Binibining Pilipinas, makikitang suot ng 23-anyos na Filipina beauty queen ang gown na puno ng silver feathers.

Dinisenyo ang costume ng Cebuana beauty ng Filipino designer na si Cary Santiago.

Aniya, hango ang costume sa pambansang ibon ng Pilipinas na Agila.

Sinabi pa nito na hand-stitched ang gown na mayroon ding signature laser cut patterns nito.

Si Santiago rin ang gumawa ng evening gown ni Gazini.

Read more...