Higit 172,000 na kabahayan, nasira ng Bagyong #TisoyPH – NDRRMC
Umabot sa mahigit 172,000 ang nasirang kabahayan bunsod ng pananalasa ng Bagyong Tisoy.
Sa situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) bandang 6:00 ng umaga, nasa kabuuang 172,613 na bahay ang nasira sa Regions 3, Calabarzon, Mimaropa, 5, 6 at CARAGA.
Nasa 137,637 ang totally damaged habang 38,076 ang partially damaged.
Maliban dito, siyam na health facilities ang nasira sa Regions 5 at 8 kung saan isa ang totally damaged habang walo ang partially damaged.
Samantala, 212 na eskwelahan naman ang napaulat na bahagyang napinsala sa bahagi ng Regions 1, 3, Calabarzon, Mimaropa, 5, 6, 8, CAR at CARAGA.
Matatandaang nakalabas ng bansa ang Bagyong Tisoy noong Huwebes ng umaga, December 5.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.