Don Carlos, Bukidnon niyanig ng magnitude 3.3 na lindol

Phivolcs photo

Tumama ang magnitude 3.3 na lindol sa Bukidnon, Sabado ng umaga.

Sa datos ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 2 kilometers Southeast ng Don Carlos bandang 11:46 ng umaga.

May lalim ang lindol na 11 kilometers at tectonic ang dahilan.

Dahil dito, naitala ang intensity 3 sa kaparehong lugar.

Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...