Halos 225,000 na pamilya, apektado ng pananalasa ng Bagyong #TisoyPH – NDRRMC
Nasa mahigit 225,000 na pamilya ang apektado ng pananalasa ng Bagyong Tisoy, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sa situational report ng NDRRMC bandang 6:00 ng umaga, nasa kabuuang 225,964 na pamilya o 970,464 na indibidwal ang apektado sa 1,819 na barangay sa bahagi ng Regions 3, 5, 8 at Cordillera Administrative Region (CAR).
Sa nasabing bilang, 28,639 na pamilya o 117,045 na katao ang pansamantalang nanatili sa itinalagang 788 na evacuation centers.
Nasa 3,261 na pamilya o 14,695 na indibidwal naman ang hindi nanuluyan sa evacuation centers.
Sinabi pa ng NDRRMC na 12 ang nasawi habang 54 ang nasugatan sa Calabarzon, Mimaropa, Regions 5 at 8.
Samantala, nasa kabuuang P7,820,249.96 ang halaga ng ipinadalang tulong ng Office of Civil Defense (OCD), Department of Social Welfare and Development (DSWD) at mga local government unit (LGU) sa mga apektado ng bagyo.
Matatandaang nakalabas ng bansa ang Bagyong Tisoy noong Huwebes ng umaga, December 5.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.